Saturday, September 12, 2009


A day after Sen. Mar Roxas purportedly gave up his presidential ambitions in favor of the only son of former President Cory Aquino and former Sen. Ninoy Aquino, it was Sen. Noynoy Aquino’s turn tonight to speak.

Here is a full transcript of the statement made by the younger Sen. Aquino at a press conference at Club Filipino:

Mga minamahal kong kababayan,

Kagabi, nasaksihan natin ang isang di pangkaraniwang kaganapan. Sinabi ang aking matalik na kaibigang si Senador Mar Roxas na magsanib kami upang harapin ang napakalaking hamon upang baguhin ang ating lipunan.

Umaapaw po ang paghanga at paggalang ko kay Mar sa kanyang pagsasaalang-alang ng kanyang personal na ambisyon para sa pagkakaisa ng aming partido at para sa higit na mataas na mithiin na kapwa namin inaasam para sa ating bayan.

Sen. Roxas’ sacrifice is a finest example of selflessness that our nation sorely needs in these morally-troubled times. Tulad po ng kanyang sinabi kagabi, kalimutan po muna natin ang ating mga sarili dahil ang paglaganap ng pagtingin sa pansariling kapakanan ang mismong ugat ng kasakiman at pagkawatak-watak na sumisira sa ating lipunan.

Kasama po ako ni Mar sa mas malaking labang ito at sana kasama rin naman ang bawat Pilipinong naniniwala sa angking kalinisan ng loob ng karamihan ng ating mga kababayan at naghahangad ng isang bansang tunay nating maipagmamalaki.

Ang usapin pong ito ito ay di tungkol sa akin o kay Mar. Ang mahalaga pong malaman ay kung kasama namin kayo sa misyon ng tunay na pagbabago. Di po madali ang misyong ito dahil
matindi ang kabulukang bumabalot sa ating lipunan. Ngunit di imposibleng makamit ang ating pinakamimithi para sa Pilipinas at ito ay magsisimula sa bawat isa sa atin.

Sa dakong ito, dapat pong tanungin natin ang ating mga sarili: Handa rin ba akong magsakripisyo para sa bayan?

Sa nalalabing araw ng aming pagluluksa at pagdadalamhati sa pagpanaw ng aming mahal naming ina, sisikapin ko pong taos-pusong sagutin ang katanungang ito. Sana maunawaan po ninyo ang bagay na ito.

This weekend, starting tomorrow actually, I will be going on a spiritual retreat as I pray for discernment and divine guidance. I urge you to pray with me so that you too can access your own readiness to take part in the long and difficult struggle ahead. We are hopefully in this together.

Anuman ang mangyari, tandaan po ninyo ito: Nilabanan ng aking amang si Ninoy Aquino ang lahat ng katiwalian at pang-aabusong sumira sa ating bayan. Nang siya ay pinaslang, pinagpatuloy ng aking inang si Cory Aquino ang laban para mapanumbalik ang ating demokrasya at ang dangal ng bawat Pilipino. Nakamit po nating lahat ang ating kalayaan di lamang dahil sa sakripisyo ng aking ina kundi dahil tumaya din ang milyon-milyong Pilipino.

Ngayong umaatras muli ang ating bayan patungo sa bangin ng kapahamakan, panahon muli para manindigan. Panahon ding para maghanda para sa isang mas mahaba at matinding laban kung saan walang bibitiw hanggang makamit natin ang pagbabagong ating hinahangad.

Di ko po tatalikuran ang hamong ito. Sana ay kasama ko kayong lahat sa laban na ito.

Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment